Ang tunay na kagandahan"

Ang tunay na kagandahan ay di nakikita 
sa kulay ng balat,sa tangos ng ilong ,sa ganda ng mga mata at pula ng mga labi
Sapagkat ang tunay mna kagandahan ay simple lamang,
Hindi nito kinakailangan ng magagarang kolorete sa ating mukha,
Bagkus ang tunay na kagandahan ay nagtataglay ng may magandang kalooban


Oo aminin nating mga kababaihan kung minsa'y 
Hindi tayo nakukuntento sa kung anong meron tayo
Ganda ng mukha ang laging nating hinahanap sa ating mga sarili
Ngunit kung ating pagtutunan ng pansin biyaya ng Diyos na bigay sa atin
Ay isang napakahalaga na dapat nating mahalin



Lahat tayo ay may iba-iabang bersyon ng kagandahan
Sapagkat tayo'y nilikha ng Diyos na iba iba ang kakayahan at talento
Kaya't tayo'y makuntento sa kung anong meron tayo sapagkat tayo ay hindi perpekto
Ang sariling atin ay mahalin natin 

Mga Komento